Sana...
Matrikula’y kay taas Ng mga Paaralang ma-aangas Sinasabing ito’y patas Dahil halos lahat ay nagsisipag-taas. Sana sa pagtaas nito, Mga Paaralan may sinasabing numero uno Ay maiparamdam ito Sapagkat hustisya ang hiling ng utak ko. Karapatan kong magkaroon ng matalinong guro At magaling na pagtuturo Upang kalidad na edukasyon ay matamo At hindi maging malabo. Mga estudyante likas na matalino Subalit pagpasok sa klase’y di natututo Sana subukang diligan ang natuyong damo Dahil siguradong ito’y tutubo.